mas mahaba,mas masaya.saan ka pa?

di maikakaila na talagang may running boom ngayon sa metro manila.ang mahigit limang libong mananakbong sumagot sa starting gun ng globe run for home ang patunay na hindi lamang dumadaang fad ang takbuhan.

tulad ng patakbo ng milo dalawang linggong nakaraan,ang takbo ngayong araw na ito ay isang box-office hit.

subali’t di tulad ng mga water/aid tables sa milo na umaabot ng halos dalawanpung talampakan sa haba,ang mga tables ng globe run today ay di man lang lumalampas ng limang talampakan.oo nga’t madaming tubig pero ang problema ay ang igsi ng water tables.

sanhi ng kaigsihang ito, nagkukumpulan ang mga runners sa mga water station kung kaya’t imbes na makabilis sa pagkuha ng maiinom ay bumabagal ang ibang mananakbo.sa akin ay dalawang beses akong nabunggo ng kapwa mananakbo na ubos-oras at sarap na umiinom ng tubig at di tumingin man lang sa mga parating na runners.

di ko naman sila masisisi sapagka’t may pangangailangan sila.

napansin ko sa singapore marathon na ang mga aid/water tables ay pagkaha-haba.ang mga elite runners ay tuluy-tuloy lamang tumatakbo sabay sunggab ng tubig ng walang anumang delay o bungguan.

ang punto ko dito ay sana ay dagdagan ang mga tables at ilatag ang tubig/energy drinks sa mahahabang lamesahan upang maiwasan ang pagkumpol-kumpol ng runners.sa essensa water station kanina ay di ko lubos maisip ang mga kapwa kong runners na nagsisikip sa pagkuha ng tubig.parang nilalanggam sa dami ang runners na nagipon-ipon sa pagkuha ng tubig.

kung nagawa ng milo ang pagdagdag ng mahabang lamesahan para sa tubig,siguro naman ay kayang gawin din ito ng ibang organizers.

ito ay isang munting suhestiyon lamang upang maiwasan ang log-jam sa mga stations at ang bungguan ng mga runners.

wala na akong magagawa sa sikip ng flyover.nang kami ay pabalik papunta sa bhs,isang lane na lamang ang naiwan para sa amin, tapos may mga sumasalubong pa para kumuha ng tubig.dapat ay merong stations on opposite directions.

isa pa sana ay sa pagpasok sa finish chutes ay maglagay ng hiwalay na lane para sa iba’t ibang distansiya.napakahirap magpakabilis sa buong karera gayung sa huling 500 metro ay babagal ka sanhi ng human traffic.

buti na lang at kahit bumagal ako sa huli ay tinalo ko pa rin si pareng fernando.

anyway,ito ay patunay na kung mas mahaba ay di hamak na mas madaming masaya.at mas ligtas para sa lahat.

17 Responses to “mas mahaba,mas masaya.saan ka pa?”

  1. kingofpots Says:

    tama ka tungkol sa mga water stations! pang-milo eliminations sa probinsiya ang set-up at isang la mesa lang ang ginamit..pero, ang bilis-bilis mong tumakbo kahapon. mabuti na lang “bandit” ako at may baon na tubig sa hydration belt ko at tamang-tama lang ang supply ko..hehehe..panay reklamo ang inabot ng globe sa patakbong ito.

    • sana ay maging world-class na ang ating mga water station.di baleng walang libreng energy gels basta maisa-ayos lamang ang paglalatag ng mga inumin.ang atin lang naman ay mumunting puna at suhestiyon na ang tanging layunin ay ang mapabuti ang estado ng patakbo dito sa atin.

  2. hahaha, gusto ko ang lathala mo ngayong araw na ito. Isang kagalakan ang muli kang makita kahapon sa patakbo ng Globe. Hanggang sa muli kaibigang Jonel!

    • salamat ka joseph.ako man ay nagagalak at muli ko kayong naaninag ni baby.kay baby at sa iyo,congratulations.ang pangarap ko ay makapag-42 na kayo at makatapos ng matiwasay,

  3. Ray Abenojar Says:

    HC Jonel,

    sang-ayon din ako sa pag-puna mo sa mga tubigan. dagdag pa dun ay ang salubungan ng mga mananakbo sa panulukan ng Ayala at Makati Ave., Ayala at Sen. Puyat.

    • pareng ray, akala ko ay edsa 1986 ang kalayaan at essensa kahapon sa dami ng tao.ako ay natutuwa sa dami ng lumahok.sa ganang akin lang,pag ganyang kalaking karera,dapat ay mas malaking paghahanda din ang gawin ng organisasyong nagpapatakbo.

  4. Buti na lang di na ako tumakbo dahil sumakit na naman ang likod ko. Malamang sasakit din ang ulo ko sa kunsume kung natuloy nga ako.
    Sana sa susunod, mga namamahala ay mag iingat.
    Sa pag plano at pagpapatakbo ng maayos na pagligsahan
    Oras na para tayo ay matuto
    Sa mga pagkakamali ng mga dati ng palaro

    • mark, ikaw ay hinintay ko subali’t alam kong di ka muling sisipot tulad ng dati.muling naunsiyami ang ating pagkikita.nawa’y gumaling ang iyong likod.huwag ka masyadong magbuhat ng mabigat.humiga ka na lamang.at magpahinga.sana ay marinig ni rio ang panalangin mo.

  5. Dear Jonel – Ang hirap tukuying ano ang mahaba na masmasaya!! Sang-ayon ako sa iyo mga sinabi pero yun huli mong mungkahi na PAIKLIIN ang pila sa pagtatapos ng karera OK din kaya lang iikli ngunit masaya din.

    • ka amado, hinay hinay po sa puso niyo.ako man ay nagulat sa vip parking subali’t alam niyo naman na ako’y di hamak na ordinaryong tao kung kaya’t minabuti kong daanin sa biro ang takilyera.patungkol naman sa pahabaan at paigsihan,pareho hong may masayang kahihinatnan at patutunguhan iyan.alam niyo po iyon.

  6. mabuti na lang at may dala akong sariling hydration belt hehehe…

    ang tanong? epektibo kaya ang ang running chip nila? at sa thursday july 23 daw malalaman ang result.

    • cliff, pinagpala ka at at may isip kang magdala ng sarili mong supply ng inumin.mabuhay ka!patungkol naman sa racing chip,ang press release dati ay same day result.ewan.

  7. Mark Bata Says:

    Wow, july 23? Quite disappointing yan. Champion chip gamit nila, info should be available immediately. No offense sa race organizer ha.

  8. mark, racing cheap yata ang nagamit. ang pikon, talo.peace!

  9. speedsterbikster Says:

    papy, medyo hindi nga kasing-ayos at ganda ng inaasahan natin ang kinalabasan ng karera kahapon. parang maraming mga “kakaibang” pangyayari. at agree ako kay mark…nakakadismaya talaga na parang nabalewala rin ang pag-gamit ng timing chip dahil naging napakatagal din ng paglabas ng results….diba’t isa nga sa kabutihan ng paggamit ng CHAMPION CHEAP (hehe) ay ang madaliang makuha ang “accurate” na finish times ng mga runner. dati-rati nga kinagabihan nailalabas na nila ang resulta gayong mano-mano lang ang pagkuha nila ng oras. anyway, di bale na, til next race. kainis!

Leave a Reply